Hindi biro ang magpatakbo ng negosyo, lalo na kung nasa field ito ng transportasyon dahil alam natin pag transportasyon ay may mga gulong ito. Ang aking ibig sabihin ay pwedeng maka aksidente ito o magastos ang pag maintain ng mga ito. Lalo na kung mga bus na pang pasahero na malalaki o pang probinsya.

 

            Marami ang kailangan para makapag tayo sa ganitong negosyo. Unang una ay pera. Kailangan ay mayroon kang pang capital para sa pag down payment ng mga unit na gagamitin sa negosyo sa bangko.Kung ang mga unit ay tumatakbo na ay bantayin rin ang mga ito pag dating sa may ari ng kompanya.

 

            Ang pagkakaroon ng ganitong negosyo ay dapat dedikado para patakbuhin ito ng maayos. Kailangan ang malaking oras para sa pag babantay ng pag takbo ng mga ito. Nag dedepende rin ang iyong kompanya sa daloy ng trapiko dahil ditto nabubuhay ang mga operators nito. Pag maraming sasakyan ang naka balandra sa daan ay mabagal ang pag akyat ng kita sa konmpanya.

 

            Isa pa ay dapat nababantayan ang konsumo ng gasoline o krudo ng sasakyan dahil maraming nagkakanakawan ditto sa ating bansa. Kahit naikarga na ang krudo sa sasakyan ay ang mga walang hiyang truper nito ay pwedeng ibenta sa iba sa paraan ng pag drain nito. Alam rin natin na tuloy tuloy rin ang pagtaas ng mga produkto ng petrolyo.

 

            Ang pag kuha nang ganitong unit ay hindi basta basta, tulad ng nasabi ko ay nilo-loan ito sa banko at kailangan kumita ang isang unit ng kompanya ng sapat para sa pag bayad ng monthly amortization nito sa banko. Kung hindi ay hihilahin nito ng walang kalaban laban sa kompanya.

 

            Para maitaguyod ang ganitong negosyo o kahit saan man ay unang una disiplina ng may- ari ang lagging nakikita ng mga tauhan. Lagi rin dapat pinapakisamahan ang mga tao at alamin kung ano ang kanilang kailangan. Pag nataguyod ito ay sisiguraduhin ko na hindi malulugi ang inyong negosyo at lalago pa ito.

Currently listening to: Filipino songs
Currently reading: Filipino book
Currently watching: Tagalog movies
Posted by nikomainman on July 10, 2006 at 12:26 AM | Add a Comment
nikomainman requires comments from Tabulas users only. Please login or register an account.