Sa aking pagbisita sa Mowell fund
Ako ay hindi gaanong mahilig magpupunta sa mga museo, pero nung ako ay nakarating sa Mowell fund ay natuwa ako at naaliw sa mga nilalaman nito. Marahil nakakapagod lamang ang pag punta dahil mejo mahirap ito hanapin at ito’y tago kumpara sa ibang museo.
Ang pagbisita ko sa Mowell fund kinakailangan dahil para ito sa isa kong kurso, nung una ako ay hindi natuwa sa balitang field trip ito pero nung ako’y nakarating na ay kinain ko rin ang sinabi ko. Ang Mowell fund ay isang lugar na maraming matututunan ang isang estudyanteng kagaya ko. Lalo na maaaliw ang isang bata kung mahilig ito sa mga literaturang bagay o minsan na tinatawag na mga pelikula.
Ako ay mahilig sa mga ganoong klaseng bagay, kaya sa unang pag pasok palang ng museo ay todo todo ang pag papa piktyur ko sa mga bagay na hindi normal na makikita mo lamang kung saan saan. Tulad ng isang box na may laman na mga pelikula dahil dati daw ay maiikli lamang ang mga pelikula at mapapagod ka sa kakapanood nito.
Habang patagal ng patagal ang ebolusyon ng industriyang pelikula ay nag ebolb. Ang iba ay maganda ang pinatungunan at ang iba ay hindi. Ang Mowell fund ay ang takbuhan ng mga artista na may problemang pang pinansyal o kung sa tawag natin na-laos narin. Mahirap isipin pero tamang ideya na itinayo ito para sa kanila.
Sa pagbabalik sa mga natutunan ko ay marami rin palang mga kagamitan na naka ekshibit at pang aliw lamang sa mga bisita tulad ng mga gamit ni kristala. Mayroon din ang mga kagamitan na ginagamit sa mga horror na pelikula na shang kinatakot ng mga estudyante.
Sa mga natutunan ko at sa magandang ekspiryens ko sa Mowell fund ay masasabi ko na magandang malaman ang historya ng mga pelikula dahil ito’y sariling atin.
